GMA Logo Kim Perez
What's Hot

Kim Perez, excited nang makita ang kapwa Kapuso artists sa GMA Thanksgiving Gala

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 22, 2022 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Perez


Ano kaya ang susuotin ni Kim sa darating na GMA Thanksgiving Gala?

Hindi maitago ni Sparkle artist Kim Perez ang kanyang ligaya at excitement na makita ang kapwa niya Kapuso stars sa gaganapin na GMA Thanksgiving Gala.

Sa panayam ni Kim sa GMANetwork.com, aminado siyang nami-miss na niya ang mga miyembro ng Sparkada na binubuo ng ilang up-and-coming stars ng Sparkle GMA Artist Center.

Aniya, "Sobra, sobrang excited kasi finally mami-meet ko na rin 'yung mga co-artists ko sa Sparkle, especially sa mga Sparkada ko na sobrang nami-miss ko na kasi may kanya-kanya na kaming mga project."

"Kaya sobrang excited na ako."

Dagdag ni Kim, puspusan na rin ang paghahanda niya sa kanyang susuotin sa Thanksgiving Gala.

"Nagda-diet po ako, nagwo-workout [kasi] gusto ko maging physically fit sa gala," pag-amin niya.

"Dapat niyong abangan dito, ibang Kim 'yung makikita niyo rito. Ibang image 'yung makikita niyo rito. Makikita niyo yung finesse na Kim at tsaka napaka-regal 'yung susuotin ko dito."

Old Hollywood ang tema ng gaganaping GMA Thanksgiving Gala kung saan naka-livestream ang red carpet event sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network, at sa Tiktok account ng Sparkle GMA Artist Center.

Abangan ang iba pang detalye at kung paano naghahanda ang mga Kapuso sa darating na GMA Thanksgiving Gala sa GMANetwork.com.

BUKOD KAY KIM, KILALANIN PA ANG ILANG MIYEMBRO NG SPARKADA SA GALLERY NA ITO: