
Tatlong tulog na lang at magaganap na sa pambihirang pagkakataon ang pagsasama-sama ng mga maniningning na Kapuso stars at Sparkle artists sa isang gabi ng pasasalamat at kasiyahan.
Handa na ba kayong makita ang inyong mga paboritong Kapuso celebrity sa kanilang classy 'Old Hollywood Glam' look?
Bukod sa Kapuso stars, sino-sino kaya ang mga sorpresang bisita na dadalo sa gabing ito?
Minsan lamang mangyari ang much-anticipated Kapuso gathering na ito kung kaya't tumutok ngayong Sabado sa TikTok bilang official media partner ng GMA Thanksgiving Gala.
Maging updated din sa pagdating ng Sparkle stars sa red carpet sa pamamagitan ng live streaming ng GMA Network at Sparkle social media accounts.
Abangan ang inyong mga paboritong Kapuso celebrity sa GMA Thanksgiving Gala ngayong July 30.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILAN SA MGA GAWA NG GMA THANKSGIVING GALA STYLIST NA SI GIDEON HERMOSA SA GALLERY NA ITO: