GMA Logo The Red Sleeve
What's Hot

'The Red Sleeve,' malapit nang mapanood sa GMA-7!

By Abbygael Hilario
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated August 2, 2022 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Red Sleeve


Malapit nang mapanood sa GMA ang award-winning historical romance Korean drama series na 'The Red Sleeve!'

Sa ika-19 anibersaryo ng GMA Heart of Asia, isang royal love story ang ihahandog para sa mga Kapuso!

Malapit nang mapanood sa GMA ang historical romance Korean drama series na The Red Sleeve.

Iikot ang istorya nito sa royal court romance noong 1700s, sa pagitan ng Hari ng Joseon na si Yi San, na naniniwala ang kaniyang tungkulin sa bansa ay mas mahalaga sa pag-ibig, at isang court lady na si Sung Deok Im na gustong protektahan ang buhay na kaniyang pinili.

Ang karakter ni Yi San ay gagampanan ng popular idol turned actor na si Lee Jun-Ho na member ng South Korean boy band na 2PM.

Ang 29-year-old Korean actress naman na si Lee Se-Young ang gaganap bilang Sung Deok Im.

Bibida naman si Kang Hoon bilang Hong Deok Ro.

Ano kaya ang magiging role ni Hong Deok Ro sa buhay nina Yi San at Sung Deok Im?

Sa nalalapit na pagpapalabas nito sa Philippine television, kaabang-abang ang mga eksenang siguradong magpapakilig sa mga Kapuso!

Sabay-sabay nating subaybayan ang love story nina Yi San at Sung Deok Im sa The Red Sleeve!

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG UPCOMING TELEVISION DRAMA SERIES NA 'START-UP PH' NA MAPAPANOOD DIN SA GMA TELEBABAD SA GALLERY NA ITO: