
Reunited sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa ginanap sa GMA Thanksgiving Gala noong Sabado, July 30, sa Shangri-La The Fort sa BGC, Taguig.
Sa Instagram Story ng Start-Up PH actress kahapon, August 1, ipinost niya ang group selfie niya kasama ang popular na onscreen partner niyang si John Lloyd at si Mariole Alberto ng Sparkle. Si Mariole ay dating head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na dating nagha-handle kina Bea at John Lloyd.
Sa GMA Gala, dumating si Bea kasama ang boyfriend niyang si Dominic Roque.
Samantala, grupo namang lumakad sa red carpet ng event si John Lloyd kasama si Maja Salvador at fiance nitong si Rambo Nunez, Miles Ocampo, Thou Reyes, at Mikki Gonzalez.
Si John Lloyd ay mina-manage ng Crown Artist Management na pag-mamay-ari ni Maja.
NARITO ANG IBA PANG HIGHLIGHTS NG KAUNA-UNAHANG GMA THANKSGIVING GALA: