GMA Logo Start-Up Ph stars
What's on TV

'Start-Up Ph' stars, present sa GMA Thanksgiving Gala Night

By EJ Chua
Published August 2, 2022 4:57 PM PHT
Updated August 29, 2022 9:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Start-Up Ph stars


Alden Richards, Bea Alonzo, at iba pang cast ng Philippine adaptation ng 'Start-Up Ph,' dumalo sa Thanksgiving Gala ng GMA Network.

Kahit abala sa kanilang taping para sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, naglaan pa rin ng oras ang cast ng Start-Up Ph para sa GMA Thanksgiving Gala.

Nito lamang July 30, present sa big event ang lead stars na sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.

Bukod sa lead stars ng upcoming GMA drama series, makikita sa group photo na in-upload ni Yasmine sa Instagram na dumalo rin sa Gala Night ang ilan sa kanilang co-stars.

Kabilang na rito sina Kim Domingo, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Jackie Lou Blanco, at Gabby Eigenmann.

Ang mga aktres na sina Bea at Yasmien ay dumalo sa naturang event kasama ang kanilang partners na sina Dominic Roque at Rey Soldevilla.

Mapapanood si Bea sa serye bilang si Dani, ang kapatid ni Ina na gagampanan naman ni Yasmien.

Abangan ang nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph sa GMA Telebabad!

SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG START-UP PH SA GALLERY NA ITO: