
Kasalukuyan mang nasa Korea para sa upcoming GMA show na Running Man Philippines, naniniguro pa rin si Ruru Madrid na maayos niyang naha-handle ang iba pa niyang TV projects at pati na rin ang kaniyang personal life.
Sa latest report ng 24 Oras, ibinahagi ni Ruru na nanghihinayang man siya dahil hindi siya nakadalo sa katatapos lang na GMA Thanksgiving Gala, proud na proud pa rin siya sa stunning look na inirampa ng kaniyang rumored girlfriend na si Bianca Umali sa star-studded event.
Suot ang kaniyang very detailed gown na gawa ni Val Taguba at ang isang napakagandang head piece jewelry, nagmala-reyna si Bianca habang lumalakad sa red carpet.
Ayon sa Lolong actor, “Nung nakita ko na naglalakad siyang mag-isa, she was so beautiful. For me, mas kailangan po niya 'yung spotlight na 'yun na mag-isa and wala ako sa tabi niya.”
Panoorin ang buong interview ni Ruru Madrid sa ibaba.
Bukod sa naging pahayag ng Kapuso hottie sa 24 Oras, una na siyang napa-comment sa isa sa mga post ni Bianca tungkol sa look nito para sa big event na ginanap noong July 30.
Mas naging proud si Ruru dahil sa mismong gala night, nakatanggap ng dalawang special awards si Bianca, ang "The Belo Beauty of the Night" at "Beautederm Scene Stealer Award."
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST MOMENTS SA GMA THANKSGIVING GALA NIGHT 2022 SA GALLERY SA IBABA: