
Bukod sa mga eksenang pagsasamahan nina Alden Richards at Bea Alonzo sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, kaabang-abang din ang mga karakter na bibigyang buhay nina Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon, at Royce Cabrera.
Sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph sa GMA Telebabad, mapapanood sina Jeric, Boy 2, at Royce bilang magkakaibigan at magkakatrabaho sa Three Sons Tech.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa comedian-actor na si Boy 2 kamakailan lang, ibinahagi niyang dahil sa kanilang roles na gagampanan sa serye ay naging malapit siya sa Kapuso actors na sina Jeric at Royce.
Pagbabahagi niya, “Actually, ang gandang balance kasi sa totoo lang, si Royce isa sa mga magagaling na supporting actor na nanalo ng award, I think both of them.
Ang ganda nung naging mix namin. Well, siyempre ako 'yung pinaka kuya na nila technically, medyo naimpluwensiyahan ko na sila nang kaunti which is kailangan. Kapag napanood n'yo 'yung mga material lumalabas talaga siya sa material, 'yung kakulitan namin. Medyo nagkaroon kami ng maayos na bonding na tatlo na lumalabas sa mga eksena, which is really good.”
Ibinahagi naman ni Jeric sa isang interview na masaya siyang makatrabaho sina Boy 2 at Royce.
Makikilala si Jeric sa Start-Up Ph bilang si Davidson "Dave" Navarro (Nam Do-san). Samantala, sina Boy 2 at Royce naman ay makikilala bilang sina Wilson Espiritu (Lee Chul-san) at Jefferson "Jeff" Katipunan (Kim Yong-san).
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY NA ITO: