
Trending at mabilis na pinag-usapan sa social media ang music launch ng theme song ng upcoming kilig series ng GMA na Luv Is: Caught In His Arms sa All-Out Sundays kahapon, August 7.
Sa nasabing music launch, ipinarinig na for the first time ang kantang "Luv Is" na written and performed by P-pop group na VXON kasama ang this generation's pop princess na si Zephanie.
Isang collaborative performance din ang inihanda ng VXON at ni Zephanie sa Sunday variety show kasama ang lead cast ng series na sina Team Jolly Sofia Pablo at Allen Ansay, at ang Sparkada members na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
Matapos ito, inilabas na rin online ang lyric video ng nasabing theme song na agad ding pinag-usapan ng netizens.
Nakuha ng hashtag #LuvIsLyricVideo ang top trending spot sa Twitter Philippines habang umabot naman sa mahigit 40,000 tweets ang LUVIS CIHA TEAMJOLLY kahapon.
Bukod dito, trending din sa Twitter ang hashtag #LUVISYOU, LUVISU VXON, at LUV IS ZEPHANIE ON AOS. Patunay na marami na ang nag-aabang sa much-anticipated kilig series ng GMA ngayong taon.
Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.
KILIG PHOTOS OF 'LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS' LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY: