
Sa ikaapat na linggo ng Miss The Dragon, burado na ang alaala ni Liu Ying mula sa kanyang nakaraan.
Ngayon ay nabubuhay na si Liu Ying bilang si Ayu. Sa kabila ng kanyang pagkalimot, patuloy pa rin na gumagawa ng paraan si Longyan upang siya ay mapasaya at maprotektahan.
Dinala ni Longyan si Ayu sa labas ng isang malaking palasyo kung saan sinorpresa niya ito ng magagarang regalo.
Hindi man siya maalala ni Ayu, tila nararamdaman din nito na may kinalaman ang kanilang nakaraan sa isa't isa.
Maipagpatuloy kaya ni Longyan ang kanyang pagmamahal kay Ayu kahit tadhana na ang humahadlang dito?
Tutukan ang kuwento ng Miss The Dragon, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.