
Ipinakilala ni Kate Valdez ang bagong karakter na gagampanan niya para sa upcoming GMA drama na Unica Hija.
Sa kaniyang Instagram account noong Huwebes, August 11, ibinahagi ng aktres ang mga larawan niya sa set ng bagong serye.
Makikita sa post ang co-stars niya na sina Kelvin Miranda, Jennie Gabriel, at Jemwell Ventinilla.
Sa Unica Hija, lalabas si Kate bilang si Hope na isa lamang sa dalawang roles na gagampanan niya rito.
"Hope and her friends #UnicaHija," sabi ni Kate sa caption.
Makakasama nila sa Unica HIja sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, at Boboy Garovillo.
Tampok din dito sina Maricar De Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn Dela Cruz, at Biboy Ramirez.
Samantala, magkakaroon naman ng espesyal na partisipasyon ang actor-politician na si Alfred Vargas sa upcoming series.
Abangan ang Unica Hija sa GMA Afternoon Prime.
BALIKAN ANG SHOWBIZ JOURNEY NI UNICA HIJA LEAD STAR KATE VALDEZ DITO: