GMA Logo Nadech Kugimiya at Maylada Susri
What's Hot

'To Me, It's Simply You,' bagong Lakorn series na mamahalin ngayong Agosto sa GMA

By Aimee Anoc
Published August 16, 2022 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Nadech Kugimiya at Maylada Susri


Ang seryeng magpapa-realize na simple lang pala ang buhay, simple lang ang magmahal. Abangan sina Edward at Vivian tuwing umaga sa 'To Me, It's Simply You.'

Ngayong Agosto, mapapanood na ang award winning Lakorn series na To Me, It's Simply You sa GMA.

Magbibigay saya at kilig tuwing umaga ang Thai stars na sina Nadech Kugimiya at Maylada Susri bilang sina Edward at Vivian.

Makakasama rin nila sa seryeng ito sina Danny Luciano (Richie), Lita Kaliya Niehuns (Alice), Tao Pusin Warinruk (Bong), Nubtung Nunnapas Radissirijiradech (Nimfa), Somjit Jongjohor (Bert), Chamaiporn Sitthiworanang (Myrna), Yeong Lookyee (Jose), at Namfon Sueangsuda Lawanprasert (Elena).

Magsisimula ang kuwento ng To Me, It's Simply You sa pagbabalik ni Edward, isang series director sa Bangkok, sa kanilang probinsya matapos na pagtaksilan at lokohin ng babaeng minahal niya.

Sa pagbabalik probinsya, makikila niya si Vivian, ang kasalukuyang umuupa at nagtatrabaho sa lupaing ipapamana sa kanya ng kanyang lola.

Para makapagsimulang muli, nais ni Edward na ipagbili ang lupaing ito. Pero hindi sang-ayon ang lola niya rito, gayundin si Vivian.

Makakaya kaya ni Edward na magtrabaho sa bukirin sa tulong ni Vivian para sa lupang inaasam niya?

Abangan ang To Me, It's Simply You, ang seryeng magpapatunay na simple lang pala ang buhay, simple lang ang magmahal, soon sa GMA.

TINGNAN ANG THAI STARS NA NAPANOOD NA SA GMA HEART OF ASIA RITO: