
Napanood sa Miss Saigon Guam Gala Performance ang Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden.
Si Garrett ay gaganap sa stage musical production bilang si John Thomas. Si John Thomas ay isang American GI na stationed sa Saigon during the Vietnam War.
PHOTO SOURCE: @garrettboldenjr
Ibinahagi ni Garrett sa kanyang Instagram account ang ilang updates ng kanyang journey bilang cast ng Miss Saigon. Ayon sa kanyang post ngayong August 20, napanood siya at iba pang inaabangang cast ng Miss Saigon sa isang gala performance.
Nag-post din si Garrett ng kanilang litrato mula sa press conference. Nagbahagi pa si Garrett ng litrato kasama ang mga gaganap na Chris at Thuy sa Miss Saigon na sina Piotr Janusz at Ethan L Phong sa kanilang Håfa Adai Pledge.
Ang Miss Saigon ay magsisimula na sa Guam ngayong September.
NARITO ANG JOURNEY NI GARRETT SA MISS SAIGON: