GMA Logo Jak Roberto and Rayver Cruz
What's Hot

Jak Roberto at Rayver Cruz, anu-ano ang bilin kina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose sa lock-in taping ng 'Maria Clara at Ibarra?'

By Aimee Anoc
Published August 23, 2022 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Rayver Cruz


Nasa lock-in taping na ngayon ng upcoming series na 'Maria Clara at Ibarra' sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose, na kapwa bibida sa serye.

Masayang ikinuwento nina Jak Roberto at Rayver Cruz sa naganap na media conference ng Bolera ang mga napag-usapan at bilin nila para sa isang buwang lock-in taping nina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose sa upcoming historical fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Ayon kay Jak, nagsimula na ang lock-in taping sa Vigan nina Barbie at Julie Anne para sa serye kung saan kapwa bibida ang dalawa kasama ang award-winning actor na si Dennis Trillo.

"Naroon na po sila ngayon sa Vigan at every day nga po silang magkasamang magkumare," pabirong sabi ni Jak.

Kuwento pa ng aktor, ito ang unang beses na mararanasan ni Barbie na mag-lock-in taping ng isang buwan. Aniya, "Nagte-taping siya before pero uwian. Sabi ko, 'Ngayon mararamdaman mo na.' Pinapadala ko nga sa kanya lahat ng dala ko sa lock-in [ng 'Bolera']. 'Yung mga portable washing machine... 'kung hindi mo gusto 'yung pagkain magdala ka ng induction.'

"Talagang iyon 'yung pinakamalaking bagay, nagpasaya sa aming lahat, 'yung lutuan. Nagdala naman yata siya pero iilang gamit lang. Ngayon tuloy-tuloy yung [taping] nila. Straight three days, rest day, tapos straight two days. Na-enjoy niya naman."

Sabi naman ni Rayver, na umamin na kamakailan na nililigawan niya si Julie Anne, sigurado siya na masaya sina Barbie at Julie Anne sa lock-in taping dahil matagal nang close ang dalawang aktres.

"Kami nga ni Jak naging close kami sa set pero sila way way back close na sila. I'm sure 'yung lock-in nila sobrang saya nu'n. Hindi ko alam kung ano 'yung style ng bonding nila pero I'm sure masaya,” kuwento ni Rayver.

"Sa amin kasi talagang enjoy rin kagaya nga ng sabi ni Jak, si Cupcake (Gardo Versoza) talaga ang sarap magluto. Ang saya, nakaka-miss sa set. Ang sayang mag-lock-in, iba 'yung napo-form na family so I'm sure sa lock-in nila ngayon sa 'Maria Clara' may nabubuo ng family rin ngayon doon," dagdag pa niya.

Patuloy na subaybayan sina Jak at Rayver sa huling apat ng gabi ng Bolera, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA RAYVER CRUZ AT JULIE ANNE SAN JOSE RITO: