GMA Logo Kylie Padilla and Gerald Anderson
What's Hot

Kylie Padilla, tinuldukan ang tsismis na buntis siya

By Aedrianne Acar
Published August 24, 2022 9:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Gerald Anderson


'Bolera' actress Kylie Padilla, may sagot sa kumakalat ng tsismis online tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Diretsahan na sinagot ni Kylie Padilla ang kumakalat na tsismis na buntis diumano siya sa panayam ni Nelson Canlas sa Chika Minute ngayong Martes (August 23).

May ginawa rin siyang paglilinaw tungkol sa relasyon niya sa co-star niya sa pelikulang Unravel na si Gerald Anderson.

Kababalik lang ni Kylie sa bansa matapos sila mag-shoot sa Switzerland ng Kapamilya actor.

Natatawang sagot niya kay Nelson, “Wala pong katotohanan [ang] mga lumalabas [laughs].”

Dagdag niya, “Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Yes, super professional lang po ang relationship namin. Nothing else.

“Nakaka-inis, ang dami e!”

Seryoso naman ibinahagi ng Kapuso Primetime actress na nag-aalala siya na baka may maniwala sa “fake news” na kumakalat tungkol sa kaniya.

Wika niya, “It's so out of this world na hindi po talaga siya totoo na nabo-bother lang ako na baka may maniwala, e.”

Samantala, maraming ma-miss si Kylie sa high-rating primetime series niya with Rayver Cruz at Jak Roberto na Bolera sa nalalapit nitong finale.

Ayon sa Sparkle talent, hindi niya malilimutan ang mga pigil nilang tawa sa mga seryosong eksena sa soap.

Pagbabalik-tanaw niya, “Sobrang seryoso ng mga eksena, pero people don't know that behind the scenes may natatawa na. Kasi breaker siya.”

BALIKAN ANG ILANG PAGBUBUNTIS NG CELEBRITIES NA GUMULAT SA SHOW BUSINESS: