GMA Logo Miss The Dragon Week 6 Recap
What's Hot

Miss The Dragon: Si Liu Ying ang bagong mandirigma | Week 6

By Jimboy Napoles
Published August 26, 2022 7:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palestinians celebrate Christmas in Bethlehem
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Miss The Dragon Week 6 Recap


Sabay na nakipaglaban sina Liu Ying at Longyan bilang mga mandirigma.

Sa ikaanim na linggo ng Miss The Dragon, naging isang matapang na babaeng mandirigma naman si Liu Ying.

Dahil sa reincarnation, mula sa pagiging prayer warrior ay naging isang mandirigma naman si Liu Ying.

Dito ay matapang na lumusob si Liu Ying sa kanilang mga kaaway na tribo. Sa kanyang pakikipaglaban ay nakasama niya ang isang lalaki na mahusay sa pamamana at pakikipagbuno.

Lingid sa kanyang kaalaman, ito ay si Longyan na nagpapanggap lamang upang siya ay mabantayan at maprotektahan.

Sa tulong ni Longyan ay napigilan ang paglusob ng kanilang mga kalaban. Bagamat masaya si Liu Ying sa tulong ni Longyan ay hindi pa rin niya maalala ang huli maging ang kanyang nakaraan.

Maipagpatuloy pa kaya ni Longyan ang kanyang pagmamahal kay Liu Ying kahit tadhana na ang humahadlang dito?

Tutukan ang kuwento ng Miss The Dragon, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.