GMA Logo Jaclyn Jose
What's Hot

Jaclyn Jose, magreretiro na

By Aedrianne Acar
Published September 1, 2022 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Jaclyn Jose


Award-winning actress Jaclyn Jose, ginulatang mundo ng showbiz nang inanunsyo ang kaniyang pagre-retiro.

“I am retiring....marami po[ng] salamat.”

Maikli man, pero gumawa ng ingay ang pahayag na ito ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa Instagram.

Ramdam ang pagkabigla ng fans ng seasoned TV and movie star sa anunsyo na ito ni Miss Jaclyn. Makikita sa post niya ang videoniya nang umattend siya sa GMA Thanksgiving Gala noong Hulyo.

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


Sa comment section ng Instagram post ni Jaclyn sinabi nito na, “I just sooooo luv Andi and Gwen most and foremost to have come into this.”

Sumunod niyang sinabi, “masakit but..i know i have to go.”

Huling primetime series ni Jaclyn ang Bolera kung saan gumanap siya bilang Tessa. Pinagbidahan ito nina Kylie Padilla, Rayver Cruz, at Jak Roberto.

Nag-guest din ang aktres sa season finale ng Jose and Maria's Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera last August 27.

Labis naman nalungkot ang fans ni Miss Jaclyn Jose sa desisyon nitong mag-retiro na.

Inukit ni Miss Jaclyn o Mary Jane Sta. Ana Guck sa totoong buhay ang kaniyang pangalan sa kasaysayan nang tanghalin Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival para sa mahusay na pagganap niya sa pelikulang “Ma'Rosa.”

TINGNAN ANG ILAN SA VINTAGE PHOTOS NI JACLYN AT ILAN PANG VETERAN STARS SA GALLERY NA ITO: