
Makakasama sa wish giving segment ng Wish Ko Lang si "Phenomenal Diva" Jessa Zaragoza.
Sa teaser na ibinahagi ng Wish Ko Lang noong Miyerkules, August 31, makikita si Jessa na nakikipag-usap sa magkapitbahay na sina Mylene at Tessie, na tampok ang mga buhay sa "Videoke" episode ng programa ngayong Sabado.
"Jessa Zaragoza, may pagbabatiing magkapitbahay na nag-away dahil sa ingay ng videoke!" sulat ng Wish Ko Lang.
Bibigyang-buhay ni Valerie Concepcion ang totoong kuwento ni Mylene, na naapektuhan ang pamumuhay ng pamilya dahil sa sobrang ingay ng kapitbahay niyang si Tessie (Shirley Fuentes) na araw-araw kung mag-videoke kasama ang mga kaibigan.
Abangan ang "Videoke" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 3, alas-4 ng hapon sa GMA.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: