IN PHOTOS: Ryzza Mae Dizon's cutest throwback photos

Dalaga na si Ryzza Mae Dizon, pero para sa atin ay siya pa rin si Aling Maliit.
Sumali si Ryzza sa Little Miss Phippines ng Eat Bulaga noong 2012 kung saan siya ang tinanghal na grand winner. Ito ang kanyang naging stepping stone sa showbiz at agad siyang napabilang sa mga dabarkads. Kalauna'y nagkaroon din siya ng sarili niyang programa, ang The Ryzza Mae Show.
Nakilala si Ryzza bilang isa sa pinakabatang TV hosts at mas kinagiliwan siya bilang si Aling Maliit. Ilang mga bigating artista ang kanyang naging guests at na-interview, at mas dumami rin ang kanyang nasalihang programa.
Sa mata ng publiko dalaga na si Ryzza ngunit forever tatatak sa ating mga puso at isip ang mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Balikan ang ilan sa cutest throwback photos ni Aling Maliit sa gallery na ito.





















