
Let's rock 'n roll, mga Kapuso, sa mas pinalakas at pinabonggang Sunday Grande sa gabi, simula September 4.
Simulan ang panonood ng Sunday primetime sa pagtutok sa mga nagbabagang balita at napapanahon kuwento sa flagship newscast na 24 Oras Weekend.
Pagkatapos, itutuloy ng multi-awarded TV and movie star na si John Lloyd Cruz ang paghahatid ng kilig sa Happy ToGetHer na mapapanood na sa mas maagang oras na 6:50 p.m..
Ngayong Linggo, makakasama pa niya ang Sparkle prime actress na si Sanya Lopez.
Pinoy Runners, kung nabitin kayo sa world premiere ng Running Man Philippines, itutuloy nina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian ang pagsabak sa matitinding takbuhan at funny missions tuwing Linggo ng gabi.
Tumutok every Sunday sa biggest reality show on Philippine TV sa oras na 7:50 p.m.
Wala namang humpay sa paghahatid ng viral stories ang award-winning at internationally acclaimed GMA News pillar na si Miss Jessica Soho.
Kaya para hindi mahuli sa latest sa susunod na Linggo, manood ng number news magazine show in the Philippines na Kapuso Mo Jessica Soho, pagkatapos ng Running Man Philippines.
Sagot naman nina Boobay at Tekla ang tawanan bago kayo matulog mga Kapuso sa hit comedy program nilang The Boobay and Tekla Show.
Special guest ngayong Linggo ang homegrown Kapuso talent na si Rhian Ramos, na hindi magpapahuli sa kulitan nina Boobay at Tekla.
Go lang sa paghahatid ng quality shows at entertaining episodes ang nangunguna at hindi mapantayang television giant na GMA Network!
Kaya gawin habit na mag-bonding kasama ang buong pamilya habang nanonood ng phenomenal line-up sa Sunday Grande sa gabi!