
Nag guest sa episode ng Happy ToGetHer si Sanya Lopez noong nakaraang Linggo at inamin nito sa isang interview na matagal na niyang gusto na maka trabaho ang lead nitong si John Lloyd Cruz.
Noong Linggo, lumabas si Sanya bilang Debby, ang kasambahay ng mayamang kliente ni Julian (John Lloyd), isang single-dad at mekaniko, nang pumunta ito sa mansyon para mag repair ng isang vintage car.
Ito ang unang beses na naka trabaho ni Sanya si John Lloyd at sa isang interview sa Balitanghali, sinabi ng First Lady star na pinangarap niya ang maka trabaho ang aktor. Sinabi rin niya na napaka bait ng aktor
“Ino-observe ko talaga siya and he's very nice talaga,” sabi niya.
Idinagdag pa nito na naging masyado daw mahiyain ang actor at nagpa video greet pa sa kanya.
“Siya yung mag a-adjust. Yung level na s'ya pa 'yung nagpa-video greet sakin. Bago s''ya magpa video greet sakin, hiyang hiya sya, daming explanation,” aniya.
Ang Happy ToGetHer ay ang pinaka unang proyekto ni John Lloyd Cruz matapos ng dalawang taon nang magpahinga ito sa showbiz.
Ang comedy sitcom ay 'sa ilalim ng direksyon ni Edgar “Botbot” Mortiz. Kasama sa cast sila Miles Ocampo bilang Elizabeth o Liz, Jason Gainza bilang Mike, Carmi Martin bilang Crispina o Pining.
Si Sanya naman ay huling napanood sa First Lady bilang si First Lady Melody Reyes-Acosta, ang lead ng romance comedy na series.
Sinabi rin ni Sanya sa interview na ine-enjoy na muna niya ang pahinga at oras para sa sarili habang wala pa siyang bagong serye. Inamin din nito na sinusubukan niya makipag date pero ok pa rin daw maging single.
“Enjoyin mo 'yung life mo na pagiging single kasi 'pag dumating na sa life mo 'yung taong para sa'yo, maganda nu'n ma-enjoy mo s'ya, 'yung hindi ka mape-presseure,” dag-dag nito.