GMA Logo Gerard Pizarras, Bernadette Allyson, and Shanelle Agustin
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Gerard Pizarras at Bernadette Allyson, pilit hihilain pababa ng mga inggiterang kapitbahay sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published September 7, 2022 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Gerard Pizarras, Bernadette Allyson, and Shanelle Agustin


Abangan ang natatanging pagganap nina Gerard Pizarras at Bernadette Allyson bilang mag-asawang Rex at Gina sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, September 10.

Tampok ngayong Sabado sa "Inggiterang Kapitbahay" episode ng Wish Ko Lang ang totoong kuwento ng buhay ng pamilya nina Rex at Gina na nagsisikap umasenso sa buhay pero pilit na hinihila pababa ng kanilang mga kapitbahay.

Bibigyang buhay nina Gerard Pizarras at Bernadette Allyson ang kuwento ng mag-asawang Rex at Gina. Makakasama rin nila sa episode na ito sina Shanelle Agustin (May), Gwen Garci (Eloisa), Paolo Serrano (Dante), John Arcenas, at Rubhy Ann Gagarin (Maritess).

Paano kaya haharapin ng pamilya nina Rex at Gina ang paninira at pahirap na dala ng mga inggitera nilang kapitbahay?

Huwag palampasin ang kapana-panabik na episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 10, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: