
Karumaldumal ang sinapit ng isang lola mula sa Balingasag, Misamis Oriental matapos sunugin ng buhay ng kaniyang mga kaanak na mga miyembro diumano ng isang kulto.
Binalikan ng panganay na anak ni Lola Teofila na si Erlinda ang crime scene kasama ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
"Dito po sinunog si nanay, si nanay na po ang gumapang palayo."
Isang piraso ng papel ang nakita ni Erlina na may nakasulat na dasal diumano ng mga suspek habang sinisilaban nila ang matanda.
Madasalin daw si Lola Teofila katulad ng kaniyang pamilya hanggang sa kaniyang mga apo.
Pare-pareho raw silang miyembro ng Philippine Benevolent Christian Missionaries (PBCM).
"Mabait si nanay, siya nga ang bumubuhay sa mga apo [niya]," kuwento ni Erlinda.
Ngunit nitong Augusto 26, ang 22-anyos na si Crisanto Ercilla, isa sa mga apo ni Lola Teofila, biglang sinaniban daw ng kaluluwa ng kanilang lider.
Siya raw ang itinalaga na maging hari at magtayo ng isang bagong kulto na nakabukod.
Ginising daw ni Crisanto si Lola Teofila at sa pagbibintang na makasalanan daw ang matanda, inutusan ni Crisanto ang ibang mga kaanak na sunugin na ang kanilang lola.
Ano kaya ang tunay na dahilan sa pagsunog ng mga kaanak ni Lola Teofila sa kaniya?
Panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho: