GMA Logo Boobay
What's Hot

Boobay, ikinuwento kung sino nga ba ang nagbigay sa kanya ng pangalang 'Boobay' sa showbiz

By Aimee Anoc
Published September 7, 2022 7:52 PM PHT
Updated September 7, 2022 7:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay


Paano nga ba nakapasok sa showbiz industry si Norman Balbuena o mas kilala ngayon bilang Boobay?

Taong 2005 nang subukan ni Norman Balbuena, na nakilala bilang Boobay, ang kapalaran sa mundo ng showbiz.

Sa podcast interview na "One on Juancho" ng aktor na si Juancho Trivino, ikinuwento ni Boobay kung paano nga ba siya nakapasok sa GMA bilang komedyante.

"Nag-trigger lang 'yan nu'ng college days ko, second year college. Parang may semestral break, bigla akong may napanood sa GMA na may bago raw silang contest na they need new comedians," sabi ni Boobay.

Pagpapatuloy niya, "Kasi 'yung time na 'yun, gabi-gabi may mga comedy shows sa GMA-- 'Kool Ka Lang,' 'That's Entertainment.' Tapos sabi ko, bakit hindi ko i-try magpadala, kasi ang requirement ay magpadala ka lang video sa GMA tapos gawin mo lang 'yung mga comedy act na gusto mong gawin-- impersonation o kaya mga acting.

"So 'yun, nagpa-video ako roon sa friend ko pero hindi naman ako nag-expect na matatanggap, try lang. Ang ginawa ko pina-burn ko s'ya, 'yung CD pa nu'n at pinadala ko. Biglang may tumawag sa akin, 'Uy pasok ka. Isa ka sa pitong finalists' nung comedy contest ng GMA, Kili-TV Contest. Pero hindi ako nanalo. Nag-P.A. (production assistant) muna ako [sa GMA] after nu'n."

Ikinuwento rin ng komedyante kung paano niya nakuha ang pangalan na Boobay. Aniya, "Kay Direk [Cesar] Cosme. Kasi mayroon pang 'Idol Ko si Kap' that time. Ang ipinadala kong video kay Direk Cosme ay 'yung nagru-Rufa Mae Quinto ako--'yung 'Go, go, go! Fight, fight fight!' May pelikula siya nu'n Booba.

"Sabi ni Direk Cosme, 'Parang kamukha mo si ano si Ethel Booba.' That time may 'Extra Challenge' sila ni Paolo Bediones, hit na hit noon. Sabi niya, 'Parang ang magandang pangalan mo Boobay kasi kamukha mo si Booba at mukha kang Bumbay."

Matapos noon ay napasama si Boobay sa iba't ibang shows ng GMA tulad ng AHA, Poptalk, at Day-Off. Nabigyan siya ng big break nang mapasama sa reality show na Extra Challenge at naging co-host nina Primetime Queen Marian Rivera at Richard Gutierrez.

Sa ngayon, patuloy na nagbibigay ng good vibes si Boobay sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo ng gabi sa GMA.

Kamakailan lamang din nang mapanood siya bilang guest sa kauna-unahang family sitcom ng GTV, ang Tols, kung saan nakasama niya ang mga batikang komedyante na sina Rufa Mae Quinto at Betong Sumaya.

TINGNAN ANG KABOGERA OUTFITS NI BOOBAY RITO: