
Ngayong 2022, muling mapapanood ang bago at exciting na season ng Eat Well, Live Well. Stay Well. sa GMA Network!
Sa darating na October 14, bibida muli sina Iya Villania at Chef Jose Sarasola sa 4th season ng cooking show na Eat Well, Live Well. Stay Well.
PHOTO SOURCE: chefjosesarasola
Ang hands-on mom at homemaker na si Iya at ang celebrity chef at fitness buff na si Chef Jose ay maghahanda ng iba't ibang easy-to-prepare recipes na healthy, delicious, at pasok sa budget ng mga Pinoy na humaharap sa pandemya at pagtaas na presyo ng bilihin. Tampok din sa season na ito ang healthy and affordable recipes sa darating na holiday episodes ng Eat Well, Live Well. Stay Well.
Ang 10-minute cooking show na ito ay mapapanood tuwing Biyernes sa GMA Network. Abangan ang Eat Well, Live Well. Stay Well. simula October 14, 11:05 a.m. sa GMA Network.