GMA Logo One Night Steal
What's Hot

One Night Steal: Bawiin ang suwerte! | Week 2 recap

By Ron Lim
Published September 12, 2022 7:39 PM PHT
Updated September 12, 2022 7:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

One Night Steal


Sisimulan na ni Angie ang kaniyang plano upang makuha ang suwerte niya mula kay Nott!

Sa ikalawang linggo ng One Night Steal, malinaw na kay Angie kung bakit bumaliktad ang mundo niya. Pero magagawa niya kaya ang kailangan upang magkapalit muli ang swerte nila ni Nott?

Ngayong tumataas na ang popularidad ng banda ni Nott ay isinasama na siya sa iba't ibang mga lugar ng kanilang boss. Kasama na rito ang shooting ng isang palabas, kung saan naging advantage ang pagiging maingat ni Nott dahil nailigtas niya ang buhay ng babaeng artista mula sa kapahamakan.

Si Angie naman na ngayon at tadtad ng malas ay inabisuhan ng manghuhula na lapitan si Nott, dahil ito ang kaniyang “kabiyak” at nakatadhana para sa isa't isa. Sa kanilang mga past lives ay palaging nagkakatagpo ang dalawa at nagpapalitan lamang ng swerte at malas. Dahil sa pagpupumilit ng kaniyang kaibigan, umamin si Angie na nagkaroon sila ng one-night stand ni Nott at dito sinabihan siya ng manghuhula na kung gusto niyang maibalik sa kaniya ang swerte, kailangan niya muling makipagtalik kay Nott.

Sa kagustuhan ni Angie na maibalik sa kaniya ang kaniyang suwerte, kinuntsaba niya ang kaniyang kaibigan upang makakuha ng ticket sa concert ng The Comet. Pero dahil nga nawala na ang kaniyang swerte, hindi siya pinalad na makakuha nito.

Sa 'di inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo ulit si Nott at si Angie, pagkatapos ipaalam ni Nott sa isang interview na natagpuan na niya ang kaniyang “someone special.” Ginamit na ni Angie ang oportunidad na ipaalam kay Nott na siya ang “someone special” na iyon.

Sa kasamaang-palad, hindi matandaan ni Nott kung si Angie nga ang kaniyang “special someone.” Pero desidido si Angie na mabalik ang kaniyang suwerte, kung kaya gumawa siya ng paraan upang makuha bilang handler ng banda at manatiling kasama ng The Comet.

Patuloy ang pamamayagpag ng The Comet at di maiwasan ni Angie na kamuhian si Nott. Nangako siya sa sarili na balang araw ay babawiin niya ang kaniyang swerte mula kay Nott.

Kahit malas si Angie sa ibang aspeto ng kaniyang buhay, meron namang isang lugar kung saan mukhang sinuswerte siya - sa pag-ibig. Muling nagpakita ang kaniyang ex at gustong makipag-balikan sa kaniya.

Dahil kailangan niyang makipagtalik kay Nott para bumalik sa kaniya ang suwerte, mapang-akit na damit agad ang suot ni Angie upang mas mapadali ang trabaho. Ngunit nagkamali siya ng tantiya dahil mukhang mas hilig ni Nott ang mga babaeng demure.

Patuloy na subaybayan ang One Night Steal, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 p.m., sa GMA.