TV

Elijah Alejo gives sneak peek of 'Underage' lock-in taping

By Dianne Mariano

Ipinasilip ni Kapuso actress Elijah Alejo ang lock-in taping ng upcoming afternoon drama series na Underage.

Ang seryeng ito ay bibida si Elijah kasama sina Lexi Gonzales at Hailey Mendes. Ang tatlong aktres ay gaganap bilang magkakapatid na sina Chynna, Celine, at Carrie Serrano.

Sa Instagram, ibinahagi ni Elijah ang isang Reel kung saan mapapanood ang sneak peek ng kanilang lock-in taping. Makikita rin sa nasabing video ang masasayang moments ng production staff kasama ang cast.

A post shared by Elijah Alejo 💫 (@itselijahalejo)

“Underage lock-in (pt.1),” sulat ng young actress sa caption.

Bukod dito, nag-post din si Elijah sa Instagram ng isa pang video ng behind-the-scenes ng Underage.

A post shared by Elijah Alejo 💫 (@itselijahalejo)

Kabilang sa cast ng Underage sina Kapuso actors Gil Cuerva at Vince Crisostomo.

Mapapanood din dito sina Sunshine Cruz, Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez, at Jome Silayan.

May espesyal na partisipasyon naman sa upcoming series na ito sina Smokey Manaloto at Sparkle actor Nikki Co.

SAMANTALA, KILALANIN SI ELIJAH ALEJO SA GALLERY NA ITO.