What's Hot

Zephanie, abala sa pagbuo ng kanyang bagong album at upcoming concert

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 13, 2022 1:48 PM PHT
Updated September 13, 2022 1:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

zephanie


Handa rin kaya si Zephanie na sumabak sa aktingan?

Masaya ang Kapuso singer na si Zephanie sa mga nangyari sa kanyang career simula nang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong March 2022.

Kuwento ni Zephanie, hindi siya nahirapang mag-adjust dahil madali niyang nakagaan ng loob ang co-performers niya sa All-Out Sundays.

"'Yung isa po talagang nagdi-describe sa na-experience ko po lahat ngayon ay 'yung pagiging grateful po sa lahat ng blessings and opportunities po na binibigay sa akin ng GMA. Kasi, siyempre, 'yung mga theme songs po, 'yan 'yun talagang isa sa mga pangarap ng mga singers na katulad ko," pag-amin ni Zephanies ang press conference na inihanda ng Cornerstone Studios kahapon, September 12,

Si Zephanie ang kumanta ng ilang hit Kapuso themesongs katulad ng "Tunay Na Minamahal" ng Apoy Sa Langit, "Kaagapay" ng Bolera, at "Kung Ikaw Ang Kasama" ng Sparkada ng Sparkle GMA Artist Center.

Dagdag pa ng dalagang singer, "Hindi po nagiging mahirap sa akin 'yung pag-a-adjust kasi six months na din po, and talaga 'yung mga tao, very welcoming po sila."

Bukod sa kanyang performance sa All-Out Sundays bilang parte ng "Queendom," abala rin si Zephanie sa pagbuo ng kanyang bagong album at susundan ito ng kanyang concert.

Handa naman kaya siya sumabak sa aktingan kapag nabigyan ng pagkakataon?

"Ready anytime, pero ngayon po, nagwo-workshop din po kami paminsan-minsan para maging handa po, in case lang. Pero iba pa rin po kapag nandoon ka na talaga, so, I'm ready naman po na ma-experience 'yung acting field."

A post shared by Zephanie (@zephanie)

MAS KILALANIN PA SI ZEPHANIE SA MGA LARAWANG ITO: