
Masaya ang South Korean singer at dating SISTAR member na si Soyou na muling nakabalik ng Pilipinas.
Isa si Soyou sa special guests ng Korea Tourism Organization (KTO) para sa selebrasyon ng ika-10 taong pagkakatatag nito sa Manila.
Kasama ang Korean Embassy sa Pilipinas at Korean Cultural Center (KCC), nagsagawa ang KTO ng dalawang araw na Korea Festival noong September 10 at 11 na ginanap sa Glorietta Activity Center and Palm Drive Activity Center sa Makati City.
Sa ikalawang araw ng festival, nagpakilig si Soyou nang kantahin niya ang "I Miss You," isa sa theme songs ng hit K-drama na Goblin. Kinanta rin nito ang ilan sa mga awitin niya tulad ng "Rain," "Good night MY LOVE," at "Business."
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, sinabi ni Soyou na masaya siya na nakabalik ng bansa. Nagpasalamat din ang K-pop artist sa mainit na suportang natanggap mula sa kanyang Filipino fans.
Bukod kay Soyou, ilan pa sa nag-perform sa festival ay ang Korean groups na Painters at Superstick.
KILALANIN ANG KOREAN STARS NA ITINUTURING ANG PILIPINAS NA PANGALAWANG TAHANAN DITO: