
Tampok ngayong Sabado sa "Sukob" episode ng Wish Ko Lang ang pamahiin tungkol sa sukob na kasal, na dahilan umano ng "suwerte at malas" na naranasan ng magkapatid na Maria at Carmelita.
Isang buwan pa lamang ang nakalilipas nang maikasal si Maria kay Joselito ay sunod na nagpakasal ang kapatid nitong si Carmelita at ang nobyong si Victorino. Kahit na binalaan na ng ina nilang si Ligaya tungkol sa "negatibong" dulot ng sukob na kasal, itinuloy pa rin nina Carmelita at Victorino ang kanilang pag-iisang dibdib.
Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng nararanasang "kamalasan" sa buhay ni Maria at "suwerte" ni Carmelita.
Bibigyang buhay nina Nadine Samonte at Dion Ignacio ang mag-asawang Maria at Joselito. Gagampanan naman nina Kate Yalung at Kristoffer Martin ang mag-asawang Carmelita at Victorino.
Huwag palampasin ang kaabang-abang na episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 17, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: