GMA Logo Lolong
What's Hot

'Lolong' at iba pang Kapuso shows at personalities, wagi sa Gawad Pilipino Awards 2022

By Marah Ruiz
Published September 16, 2022 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Nakatangap ng mga parangal ang 'Lolong' at iba pang Kapuso shows at personalities, wagi sa Gawad Pilipino Awards 2022.

Bukod sa paging top-rating at most-watched television program of 2022 with an estimated 14 millions viewers per episode, isa na ring award-winning show ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.

Hinirang ang Lolong bilang Best Primetime Serye sa Gawad Pilipino Awards 2022.

Ang parangal na ito ay kumikilala ng mga natatanging kontribusyon ng mga Pilipino sa iba't ibang larangan.

Bukod sa Lolong, wagi rin ang Eat Bulaga bilang Best Noontime Show.

Sina Yasmien Kurdi at Maine Mendoza ang napili bilang Iconic Artist of the Year.

Nabingwit naman ni Glaiza de Castro ang parangal bilang Outstanding Composer of the Year, habang Best Young Love Team naman sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Itatanghal ang gabi ng parangal ng Gawad Pilipino Awards 2022 sa The Metropolitan Theatre, Manila sa September 17, 2022, 7:00 PM.

Congratulations, Kapuso!