
Mapapanood na simula ngayong Lunes, September 19, ang Goblin: The Lonely and Great God, na isa sa mga successful series ng South Korean actor na si Gong Yoo, on Philippine television.
Ipapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon, bago ang Family Feud sa GMA.
Ang Goblin: The Lonely and Great God, na may opisyal na pamagat na Guardian: The Lonely and Great God, ay ipinalabas sa South Korea mula December 2, 2016 hanggang January 21, 2017 sa cable network na tVn.
Tinatayang isa ito sa mga nakatanggap ng pinakamatataas na rating sa kasaysayan ng Korean cable television.
Sa katunayan, ginawaran ito iba't ibang parangal sa South Korea.
Kabilang na ang Best Actor award para sa bida ng K-drama na si Gong Yoo. Iginawad ito sa aktor ng isa sa mga prestihiyosong acting award-giving body sa South Korea na Baeksang Arts Awards sa ika-53 edisyon nito noong 2017.
Natanggap naman ng writer ng Goblin: The Lonely and Great God na si Kim Eun-sook ang Best Screenplay para sa serye at Grand Prize award o ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa isang indibidwal sa larangan ng entertainment sa 53rd Baeksang Arts Awards. Si Kim Eun-sook ay manunulat din ng iba pang high-rating na K-drama tulad ng Lovers in Paris (2004), Secret Garden (2010), Descendants of the Sun (2016), at Mr. Sunshine (2018) na sumikat din sa Pilipinas at sa iba pang parte ng Asya.
Samantala, bukod sa kanyang performance sa Goblin: The Lonely and Great God, kinakiligan din si Gong Yoo at ang kapareha niya sa serye na si Kim Go-eun.
Lumabas na isang heneral si Gong Yoo na muling nabuhay bilang isang imortal na tagapagligtas o goblin. Ang tanging makakatanggal ng sumpa ay ang itinakdang Goblin's Bride sa katauhan ni Ella, na ginampanan ni Kim Go-eun.
Aabangan din ang second leads sa Goblin: The Lonely and Great God na sina Lee Dong-wook at Yoo In-na, at ang BTOB member na si Yook Sung-jae.
ALAMIN ANG KANILANG ROLES SA GALLERY NA ITO: