
Kinatuwaan sa social media ang pag-promote ng Kapuso host na si Kim Atienza sa K-dramang Goblin: The Lonely and Great God na nagsimula nang ipalabas sa GMA ngayong Lunes, September 19.
Bida rito ng box-office South Korean superstar na si Gong Yoo na kapansin-pansin ang pagkakahawig sa TV host.
Sa kanyang Facebook page, inengganyo ni Kuya Kim ang kanyang followers na manood ng Goblin: The Lonely and Great God sa Kapuso channel kalakip ng poster ng K-drama kung saan makikita ang lead stars nitong sina Gong Yoo at Kim Go-eun.
Sinama rin ng TiktoClock at Dapat Alam Mo! host sa post ang isa pang poster na ginaya sa poster ng Goblin: The Lonely and Great God. Dito ay makikita ang imahe ni Kuya Kim bilang si Gong Yoo at ng isang babae na kumakatawan naman kay Kim Go-eun. Base ito sa isang ad ng isang bleach brand na ineendorso ni Kuya Kim.
Biro tuloy ng isang commenter, "Kuya Kim, nalito ako. Sa'n ka d'yan?"
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 5,000 reactions ang viral post ni Kuya Kim sa Facebook.
Samantala, mapapanood ang Goblin: The Lonely and Great God mula Lunes hanggang Biyernes, alas singko ng hapon sa GMA.
NARITO ANG IBA PANG PINOY CELEBS AT ANG KANILANG KOREAN STAR LOOK-ALIKES: