
Nagawa ni Sung Deok-Im (Lee Se-young) ang kaniyang tungkulin na protektahan si Yi San (Lee Jun-ho).
Dahil sa kaniyang ibinigay na hudyat, nakaligtas ang prinsipe mula sa kanilang mga kalaban, ngunit habang tumatagal ay lalong pinag-iinitan ni Hong Deok-ro (Kang Hoon) si Deok-Im!
Tingin ni Deok-ro ay hindi patas si Yi San sa kaniyang mga tao.
Natatakot rin siya na balang araw ay mapalitan siya ni Deok-Im bilang kanang-kamay ng prinsipe.
Samantala, tuluyan na ring nahulog si Yi San sa kaniyang tagapagsilbi!
Habang nakikipaglaban siya sa mga kawal, wala siyang ibang inisip kundi ang magkaroon pa ng pagkakataon para makasama si Deok-im! Gagawin niya ang lahat para protektahan at alagaan ito.
Lalo ring nadadagdagan ang mga taong gustong pumatay at pabagsakin ang prinsipe. Magtatagumpay kaya ang mga ito sa kanilang masamang balak?
Abangan mamaya sa The Red Sleeve, 9:35p.m., sa GMA Network.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'THE RED SLEEVE' SA GALLERY NA ITO: