
Iba't ibang lugar na ang napuntahan ni GMA public affairs host Drew Arellano at sa bawat paglalakbay niya ay palaging mayroon siyang naibabahagi na makabuluhang kaalaman sa publiko.
Sa isang panayam kay Drew, ikinuwento niya ang isa sa hindi niya malilimutan na karanasan sa kanyang coverage sa Biyahe Ni Drew.
Taong 2018 ay inakyat nila ng kanyang team ang Kiokong White Rock Formation sa Bukidnon, kung saan sila'y nagpalipas ng gabi sa isang vertical bivouac.
Ayon kay Drew, hindi naging madali ang kanilang naging pag-akyat sa naturang bundok dahil inabot sila nang halos tatlo hanggang apat na oras at inabutan pa sila ng dilim habang patungo rito.
“Sa totoo lang, I had so much fear na parang… 'Why am I doing this?' You have to think about it. It's pitch black, you're pulling yourself, and you really get to doubt yourself. But finally we reached that point, the edge which was the bivouac, and we stayed there overnight.” pagbabahagi niya.
Para sa itinuturing na Adventurer For Life, ito raw ang pinakamahirap ngunit unforgettable experience niya bilang travel show host.
Aniya, “Things in life, sometimes you really need to experience those hard stuff in order for you to, 'You know what? Fine, it's hard. But, I know that I can do it because I did it na.' It's just that it really shook me. That was a very unforgettable experience.”
Balikan ang naging extreme adventure ni Drew Arellano sa Bukidnon sa Biyahe Ni Drew video sa ibaba.
SAMANTALA, ALAMIN ANG MGA AWARD-WINNING DOCUMENTARIES NG GMA PUBLIC AFFAIRS SA GALLERY NA ITO.