
Muling nabuhay ang ispekulasyon tungkol sa rape issue ng dating VJ na si Kat Alano nang mag-post siya sa Twitter tungkol sa pagkamit ng hustisya matapos ang 17 taon.
"I can finally feel peace today.
"God is good all the time.
"Justice, finally, after 17 years." tweet ni Kat noong Lunes, September 19.
I can finally feel peace today.
-- Breaking free (@katalano) September 19, 2022
God is good all the time.
Justice, finally, after 17 years.
Ito ay ilang oras matapos sumuko ang aktor at TV host na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation nang maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Court laban sa kanya dahil umano sa acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Matatandaan na nasangkot din ang pangalan ng aktor matapos mag-trend sa Twitter ang dating VJ. Sa tweet ni Kat noong June 15, 2020, nagbigay siya ng clue tungkol sa pangalan ng suspect sa panghahalay sa kanya na aniya'y "rhymes with wrong."
When I was raped by #rhymeswithwrong still famous celebrity who had smear campaigns to destroy my career&raped many more,i was wearing a Tshirt and jeans.
-- Breaking free (@katalano) June 15, 2020
He drugged me too,so trying to take my jeans off was difficult for him.Hard to rape an unconscious person in jeans. #HijaAko
Kahapon din ay muling ginamit ni Kat ang "#rhymeswithwrong" sa kanyang tweet sa kasagsagan ng mainit na isyu ni Vhong.
Pahiwatig ni Kat, "Keep using God's name to proclaim innocence. God saw you rape us. #rhymeswithwrong"
Keep using God's name to proclaim innocence.
-- Breaking free (@katalano) September 19, 2022
God saw you rape us.#rhymeswithwrong
Nakakuha naman ng suporta si Kat mula sa kanyang kaibigan sa showbiz na si Alessandra De Rossi sa pamamagitan ng pag-post ng isang bible verse.
I love you!! Amen. ❤️❤️❤️ https://t.co/oCB9u7GZta
-- Breaking free (@katalano) September 19, 2022
Sa mga sumunod na tweet ni Kat, ini-repost niya ang mga mensaheng natanggap niya mula sa kanyang followers.
Isa na rito ang tweet tungkol sa "karma."
Just sit back and let Karma do all the work.
-- Jᴜᴀɴ ᜑ̰̍ᜀᜈ̟ (@JUANof15035773) September 19, 2022
Taong 2014 unang isiniwalat ni Kat sa podcast ni Mo Twister na Good Times with Mo Twister ang di umanong pangre-rape at pandodroga sa kanya noong 2005. 19 taong gulang lang noon si Kat.
Hindi pinangalanan ni Kat ang nang-rape sa kanya na aniya'y isang public figure.