
Nasaksihan noong Sabado sa "Sukob" episode ng Wish Ko Lang ang "malas at suwerte" na naranasan sa buhay ng magkapatid na Maria at Carmelita dahil daw sa sukob nilang kasal.
Inside link:
Matapos na masunugan ng bahay ang mag-asawang Maria (Nadine Samonte) at Joselito (Dion Ignacio), sunod naman na nasagasaan at namatay ang asawa ni Carmelita (Kate Yalung) na si Victorino (Kristoffer Martin). Maaga ring nabyuda si Maria.
Sa ngayon, patuloy na nagiging matatag ang magkapatid para sa kanilang mga anak. At para matulungang makapagsimulang muli sina Maria at Carmelita, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP75,000 ay ang beauty products business, perfume business, gourmet business, grocery supplies, merienda food cart business, corndog business, at 8in1 merienda business.
Mayroon ding TESDA scholarship at brand new cellphone para sa pagnenegosyo ng magkapatid. Hindi rin mawawala ang living room showcase at tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para kina Maria at Carmelita.
Tinupad din ng programa ang hiling ng magkapatid na makita ang paranormal expert na si Ed Caluag.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG WISH KO LANG DITO: