GMA Logo Atom Araullo
PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (YT)
What's Hot

Atom Araullo recalls his most memorable experiences as a journalist

By Dianne Mariano
Published September 24, 2022 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Atom Araullo


Alamin ang mga hindi malilimutang karanasan ni GMA Public Affairs host Atom Araullo bilang mamamahayag DITO.

Isa si Atom Araullo sa mga tanyag at batikang mamamahayag sa bansa dahil sa malalim na pagkukuwento niya ng iba't ibang pangyayari sa loob at labas ng Pilipinas.

Sa isang panayam kay Atom, ibinahagi niya ang mga hindi malilimutang karanasan bilang isang journalist. Isa na rito ang kanyang kauna-unahang istorya sa programang I-Witness na “Silang Kinalimutan.”

Taong 2017, matatandaan na nagtungo si Atom at ang kanyang team sa Kutupalong camp sa Cox's Bazar, Bangladesh para alamin ang kalagayan ng Rohingya refugees na tumakas mula sa matinding krisis sa Myanmar.

“Yung gano'ng uri ng storytelling, where nagiging vessel ka ng viewers para makapunta sa mga lugar na maaaring hindi nila kayang puntahan at ikaw 'yung nagiging mata at tainga nila, paborito ko 'yung gano'ng klaseng mga istorya,” pagbabahagi niya.

Kabilang din sa kanyang most memorable coverages ang nangyaring kilos-protesta sa Hong Kong noong 2019.

Aniya, “Hindi ko malilimutan 'yun dahil iba 'yung karanasan na [matamaan ng] tear gas [laughs] at 'yung hindi mo alam kung nasaan ka exactly, nag-aalala ka sa mga kasama mo kasi may times na nagkakahiwalay kami. But, at the same time, informative 'yun e at saka mahalagang maikuwento.”

Ayon pa kay Atom, napatunayan niya na ang mga Pinoy ay mayroong malasakit dahil handa silang makinig at malaman ang mga nangyayari sa ibang bansa at tumulong sa mga nangangailangan.

Paliwanag niya, “May mga magsasabi na, 'Ano ba ang pakialam ng mga Pilipino sa mga nangyayari sa ibang bansa? Sa Hong Kong, Bangladesh, Myanmar.'

“Sa akin, time and time again, napapatunayan na... unang-una nandoon 'yung malasakit ng mga Pinoy para marinig 'yung mga nangyayari sa ibang bansa at makatulong kung kinakailangan. Pero marami ring leksyon, e. Gusto ko hanapin 'yung gano'ng klaseng mga lesson. Kung paano natin maihahalintulad sa sariling challenges natin sa ating bansa."

Bukod dito, hindi rin malilimutan ng itinuturing na The Truth Seeker ang mga naging karanasan niya nang i-cover nila ng kanyang team ang iba't ibang kuwento na nangyayari sa kabundukan, pati na rin ang kanyang pagsisid sa mga katubigan sa bansa.

“I just love being outdoors and I love being in places na hard to reach dahil usually may nahahanap ka na interesting,” saad niya.

SAMANTALA, KILALANIN SI ATOM ARAULLO SA GALLERY NA ITO.