GMA Logo betong sumaya
What's Hot

Betong Sumaya, gustong makatrabaho sina Pokwang, Eugene Domingo, at Aiai Delas Alas sa sitcom

By Aimee Anoc
Published September 26, 2022 1:12 PM PHT
Updated October 3, 2022 11:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

betong sumaya


Sinu-sinong artista pa kaya ang pangarap na makatrabaho ni Kapuso comedian Betong Sumaya?

Bukod kay Rufa Mae Quinto, na muli niyang nakasama sa family sitcom na Tols, marami pang komedyante at artista ang pangarap na makatrabaho sa isang sitcom ni Betong Sumaya.

Sa interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Betong na gusto rin niyang makasama sa pagpapatawa ang mga batikang komedyante na sina Pokwang, AiAi Delas Alas, at Eugene Domingo, na aniya ay "riot 'yan, riot."

Ilan din sa mga artista na pangarap niyang makatrabaho ay sina Primetime Queen Marian Rivera, Primetime King Dingdong Dantes, at Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Noong Hunyo, napanood si Betong bilang Tuks sa unang family sitcom ng GTV, ang Tols, kung saan nakasama niya ang sexy comedienne na si Rufa Mae at ang Kapuso heartthrobs na sina Kelvin Miranda, Shaun Salvador, at Abdul Raman.

Patuloy naman ang paghahatid niya ng good vibes sa longest running gag show na Bubble Gang tuwing Biyernes, 9:40 p.m. sa GMA.

KILALANIN SI BETONG SUMAYA SA GALLERY NA ITO: