GMA Logo Faith Da Silva
What's Hot

Faith Da Silva on her new role: 'Maba-badtrip kayo!'

By Bianca Geli
Published September 26, 2022 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva


Faith Da Silva, may nakakainis na role sa 'Unica Hija.'

May kakaibang inis daw na mararamdaman ang mga manonood kay Carnation, ang karakter ni Faith Da Silva sa upcoming GMA drama series na Unica Hija.

Sa GMA Playlist interview ni Faith, ibinahagi niya kung paano nito pahihirapan ang buhay ng kanyang kinakapatid na si Hope na gagampanan ni Kate Valdez.

"For Unica Hija, ang character ko rito ay si Carnation, ako ang magiging stepsister ni Hope (Kate Valdez), ang magiging nanay ko rito is si Maricar de Mesa.

"If you compare it to my previous roles, sa Las Hermanas 'yung role ko as Scarlet--matigas kasi ang ulo niya, pero malambot din.

Dagdag ni Faith, "Dito si Carnation ang masasabi ko lang is kaiinisan n'yo talaga siya.

"Mababad-trip kayo sa kanya! Maiinis kayo nang sobra.

"Pero abangan n'yo na lang din kung ano'ng mangyayari. Isa talaga siya sa [mga] magpapahirap sa buhay ni Hope."

Mas kontrabida diumano ang atake ni Faith sa kanyang karakter ngayon kumpara sa mga nakaraan niyang kontrabida roles tulad ng karakter niya na Scarlet sa Las Hermanas.

"Ang difference ni Carnation at ni Scarlet, si Scarlet kasi may mga rason kung bakit siya ganoon, at bunso siya--spoiled siya.

"Hindi naman talaga siya masama, spoiled lang talaga.

"When it comes to Carnation, it's a different attack. Mas palaban siya, mas hindi siya ganoon ka-edukada, at talagang lalabanan ka niya kung labanan ang usapan.

Abangan ang Unica Hija sa GMA Afternoon Prime.

CHECK OUT FAITH DA SILVA'S SEXIEST PHOTOS: