
Isa na namang Korean drama ang inihahandog ng Heart of Asia para sa mga Kapuso!
Malapit nang mapanood sa GMA ang pinakabagong fantasy-medical Korean drama series na Ghost Doctor.
Iikot ang istorya nito sa dalawang doktor na sina Henry (Rain) at CJ (Kim Bum).
Si Henry (Rain) ay isang genius doctor. Ibang level ang galing niya pagdating sa medisina ngunit wala siyang pakialam sa ibang tao o bagay bukod sa career niya.
Kabaliktaran naman niya ang resident surgeon na si CJ (Kim Bum), isang masuwerte at mayamang doktor dahil sa kaniyang lolo na founder ng isa sa mga pinakakilalang ospital sa kanilang bansa.
Kahit na matalino siya, hindi niya magawa nang maayos ang kaniyang trabaho dahil may takot siya sa dugo. Hinihintay niya lang ang araw na maipamana sa kaniya ang ospital ng kaniyang lolo at maging isang ganap na direktor nito.
Isang araw, maaaksidente at magiging comatose si Henry. Dahil dito, magiging isang kaluluwa siya at may kakayanan siyang sumapi kay CJ.
Tutulungan niya si CJ sa pag-opera ng mga pasyente kapalit ng pagtulong sa kanya sa pagtuklas sa nangyaring aksidente sa kanya at para magising sa coma.
Pag-uusapan naman ng mga tao ang biglaang paggaling ni CJ sa kanyang propesyon.
Magtataka at madududa naman ang isa sa mga kasamahan niya sa trabaho na si Crystal na naniniwala sa mga supernatural na bagay.
Gaano katagal magpapatuloy ang hindi pangkaraniwang sitwasyong medikal na ito? Magigising kaya si Henry mula sa kanyang pagka-coma? Matutunan kaya ni CJ kung paano mag-opera nang mag-isa? Ano ang koneksyon nila?
Huwag palampasin ang Ghost Doctor, malapit na sa GMA Telebabad!
SAMANTALA, KILALANIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BAGONG TELEVISION DRAMA SERIES NA START-UP PH NA MAPAPANOOD DIN SA GMA TELEBABAD SA GALLERY NA ITO: