IN PHOTOS: Celebrities na wais sa pera

Malaki man ang kinikita ng ibang celebrities sa pagiging artista at sa kanilang mga endorsements, balewala rin kung hindi sila marunong mag-ipon.
Bukod sa pag-iipon, natuto na rin ang ilang mga artista na magtayo ng sarili nilang mga negosyo para mas magkaroon ng seguridad ang kanilang income at kinabukasan lalo na sa pandemya. Dahil maraming pagbabago ang naganap, naging mas matipid sa pera ang ilang celebrities na pinili na lang mag-donate o magnegosyo muna kaysa masayang ang pinaghirapang ipon.
Mula sa pagtatayo ng online shops, food businesses, o pagbili ng sariling bahay at sasakyan, maraming investments ang ilang mga artista na mula sa pinaghirapan nilang career. Kahit may kaya na sila noon pa, hindi ito naging rason para maging kampante sila. Sino kaya ang mga artistang bongga ang career at malaki ang kinikita pero wais pa rin pagdating sa pera? Hanapin kung sino ang next na #TipidGoals at #IponGoals niyo sa gallery na ito!




















