GMA Logo Kristoffer Martin and Barbie Forteza
Photo by: kristoffermartin_ (IG)
What's Hot

Kristoffer Martin, nais muling makatrabaho si Barbie Forteza sa isang serye

By Aimee Anoc
Published September 29, 2022 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang eleksyon, 1897 — Ugat ng hidwaan nila Aguinaldo at Bonifacio | Howie Severino Presents
Fur mom who saves dogs from fire in Mandaue City commended
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin and Barbie Forteza


Bukod sa muling makatrabaho si Barbie Forteza, ano pa kaya ang dream role ni Sparkle actor Kristoffer Martin?

Kung mayroon mang nais na muling makatrabaho si Kristoffer Martin sa isang serye, ito ay si Kapuso actress Barbie Forteza.

Unang nagkasama sa isang proyekto sina Kristoffer at Barbie sa drama series na Reel Love Presents Tween Hearts noong 2010. Sinundan ito ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, Luna Blanca, at Wait Lang... Is This Love?

Ayon kay Kristoffer, nakasama na niya sa iba't ibang serye ang mga nais na makatrabaho sa showbiz. Aniya, "Kasi parang lahat naikot ko na, lahat nakatrabaho ko na. Sabi ko kung may uulitin man akong katrabaho, si Barbie Forteza."

Bukod sa muling makatrabaho si Barbie, ibinahagi rin ng aktor ang pangarap na karakter sa isang serye.

"Gusto ko 'yung malupitang kontrabida talaga," sabi ni Kristoffer. "Kasi pinapanood ko ngayon 'yung Vincenzo. Gusto ko 'yung kontrabida roon.

"Ang galing ng shifting ng character-- mabait tapos biglang siya pala 'yung mastermind sa lahat. Joon-woo yata ang pangalan ng character. 'Yun 'yung gusto ko na natsa-challenge ako na role, na kung bibigyan ako ng opportunity ng GMA, hinding-hindi ko po sila bibiguin," kuwento ng aktor sa GMANetwork.com.

Samantala, naghahanda ngayon si Kristoffer para sa pinakabagong single under GMA Music, ang "'Di ba?" na mapapakinggan na sa iba't ibang digital music platforms sa Biyernes, September 30.

TINGNAN ANG MAINIT NA PAGTANGGAP NG ILIGANONS KAY KRISTOFFER MARTIN DITO: