
Sa ikalimang linggo ng To Me, It's Simply You, inaya ni Edward (Nadech Kugimiya) si Bong (Tao Pusin Warinruk) na sumama sa kanya at makisaya sa magaganap na sayawan sa Dokjik Village. Ginawa ito ni Edward para mapasaya si Bong matapos na iwan at ipagpalit sa iba ng kanyang asawa.
Bukod sa sayawan ay napasabak din sa kantahan sina Edward at Bong kasama sina Richie (Danny Luciano), Vivian (Bow Maylada Susri), at Nimfa (Nubtang Nunnapas Radissirijiradech).
Matapos ang kasiyahan, nagkayayaan sina Edward, Bong at Richie na mag-ikot sa baryo at sumubok ng iba't ibang masasarap na pagkain. Sa pag-iikot, napagbintangan ang tatlo na nambugbog ng mga lasing kaya naman napasabak sa rambol. Mabuti na lamang ay agad na dumating sina Vivian at Nimfa at napaalis ang mga kalalakihang bumugbog sa kanila.
Sa kabila nang nangyari, masaya sina Edward, Bong, at Richie sa nabuo nilang bonding at pagkakaibigan.
Patuloy na subaybayan ang To Me, It's Simply You, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa To Me, It's Simply You:
To Me, It's Simply You: Edward is now a proud father | Episode 21
To Me, It's Simply You: The warmth of family's love | Episode 22
To Me, It's Simply You: The granny and grandson duo | Episode 23
To Me, It's Simply You: The three musketeers | Episode 24
To Me, It's Simply You: Fishing info about my crush | Episode 25
KILALANIN ANG CAST NG 'TO ME, IT'S SIMPLY YOU' RITO: