TV

Ashley Ortega, magbabalik-teleserye bilang figure skater sa 'Hearts on Ice'

By Aimee Anoc

Excited na si Ashley Ortega para sa pinakabagong serye sa GMA, ang Hearts on Ice, kung saan makakasama rin niya si Xian Lim.

Sa interview ng GMANetwork.com, "grateful at thankful" ang aktres sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA para sa proyektong ito.

Sa Hearts on Ice, gaganap si Ashley bilang isang figure skater, na bata pa lamang ay kinahihiligan na niyang sports. Sa katunayan, bago pa man magsimula sa modelling at showbiz, first love na ng aktres ang figure skating.

"I know it may sound cliche but dream role ko talaga 'to ever since I started showbiz and ngayon natupad na siya," sabi niya.

Ayon kay Ashley, anim na buwan na siyang nagte-training sa figure skating bilang paghahanda sa kanyang karakter.

"I've been training for six months. Sakto nu'ng pagkatapos ko mag-lock in taping for 'Widows' Web' last February, nag-train ako kaagad sa skating. So ngayon on going habang hindi pa kami nag-start ng taping.

"I train talaga. Ibinubuhos ko 'yung time and effort ko sa training to really have a nice show, and para 'pag nagte-take na kami hindi na ako mahirapan. At least okay na 'yung stamina ko, okay na 'yung jumps ko, spins ko. Focus talaga ako sa preparations. I think sa lahat ng seryeng ginawa ko, ito 'yung longest preparations na ginawa ko for a character," kuwento ng aktres.

A post shared by Ashley Ortega (@ashleyortega)

Aminado naman si Ashley na may pressure siyang nararamdaman para sa bagong serye.

"This will be different. It's my first to do a sports drama and isa rin ito sa kauna-unahang figure skating na teleserye. Sobrang nape-pressure din ako kasi ang taas ng expectations ng mga tao, pero this is it!"

Dapat daw abangan ng manonood ang buong kuwento ng Hearts on Ice. Ani ni Ashley, " It's not just about figure skating. It's about family, friendship, love, 'yun ang dapat nilang abangan."

Bukod kay Xian, makakasama rin ni Ashley sa sports drama series sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Kim Perez, Ruiz Gomez, at Roxie Smith.

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG ICE-SKATING PHOTOS NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: