TV

Ashley Ortega at Xian Lim, excited na sa bagong serye na 'Hearts on Ice'

By Aimee Anoc

Kita ang excitement ng buong cast sa naganap na story conference noong Martes (October 4) para sa kauna-unahang Filipino figure skating series na Hearts on Ice.

Pagbibidahan ang upcoming sports drama series nina Ashley Ortega at Xian Lim. Makakasama rin nila sa seryeng ito sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Kim Perez, Ruiz Gomez, at Roxie Smith.

Sa interview nina Ashley at Xian kay Lhar Santiago ng 24 Oras, "grateful at excited" sila para sa bagong serye.

"I am really grateful and it's such an honor for GMA and Sparkle to trust me in this project, to believe in me," sabi ni Ashley.

Pagbabahagi naman ni Xian, "I'm really excited for this project. First time lang namin narinig ang mga gagawin talaga namin."

Dahil backdrop ng magandang kuwento ng Hearts on Ice ang sports na figure skating, kinakailangan ding mag-training nina Ashley at Xian sa ice rink.

Ani ni Ashley, anim na buwan na siyang nagte-training sa figure skating bilang paghahanda sa kanyang karakter na si Ponggay, na isang figure skater. Bata pa lamang ay kinahihiligan na ng aktres ang sports na ito.

"Here it's close to my heart since advantage na rin na I can skate. But of course, my goal here is to really show the love and the heart of Ponggay."

Challenging naman para kay Xian ang role sa serye. Aniya, "It's gonna be a challenge really. Even kami ni Ashley we were working on... 'yung choreography on ice. First time kong gagawin and si Ashley sobrang experience at sobrang galing niya sa yelo."

Kapwa hindi naman makapaniwala sina Kim Perez at Roxie Smith sa malaking role na ipinagkatiwala sa kanila sa Hearts on Ice. Ito ang unang serye ng dalawa sa GMA.

"Big break kumbaga, and it really excites us na we give justice to our roles. Kasi napakalaking opportunity po 'yung ibinigay sa amin," sabi ni Roxie.

Excited din si Kim na maipakita sa lahat ang husay sa pag-arte. "Sobrang excited kasi gusto naming ipakita na we deserve the spot. And gusto rin naming ipakita sa masa na kaya namin kahit baguhan lang kami rito sa industry."

Abangan ang Hearts on Ice, soon sa GMA.

TINGNAN ANG ICE-SKATING PHOTOS NI ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: