What's Hot

Jeric Gonzales-Therese Malvar starrer 'Broken Blooms,' patuloy na kinikilala abroad

By Jansen Ramos
Published October 10, 2022 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dog found in Valenzuela City with tongue cut out
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

broken bloom cast


Nakahakot na ng 14 na international recognitions and awards ang indie film na 'Broken Blooms' na mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Patuloy na kinikilala abroad ang indie film na Broken Blooms na pinagbibidahan nina Jeric Gonzales at Therese Malvar.

Nakahakot na ng 14 na international recognitions and awards ang pelikula na sinasalamin ang realidad ng kahirapan ng ilang pamilyang Pilipino.

"Alam mo 'yung mga kabataan ngayon nag-struggle sila lalo na ngayong pandemic. It applies to all young couple na maghihiwalay because of so many problems," bahagi ng executive producer ng Broken Blooms na si Engr. Benjie Austria.

Kamakailan, kinilala sa 8th Brasilia International Film Festival ang Broken Blooms na pawang mga Kapuso star ang mga nagsiganap. Bukod kina Jeric at Therese, kinabibilangan din ito nina Jaclyn Jose, Lou Veloso, Boobay, at Royce Cabrera.

Nauwi ng independent film, na idinerehe ni Louie Ignacio, ang Special Jury Award mula sa nasabing film festival na ginanap sa Brazil.

A post shared by Louie Ignacio (@direklouieignacio)

Grateful naman si Jeric sa bagong achievement na natanggap ng pelikulang pinagbidahan niya. "Nakakataba po ng puso na naka-14 international awards na po ang Broken Blooms. Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat po ng nag-recognize sa amin," aniya.

Samantala, nasubok daw sa pelikula ang galing ng multi-awarded actress na si Therese Malvar na first time gumanap sa mature role bilang asawa ng karakter ni Jeric.

Nagpasalamat naman ang 22-year-old actress sa pag-alalay sa kanya ng kanyang katambal.

"Nag-try talaga siya, nag-effort siya para maging komportable kami sa isa't isa. In a way kahit wala kaming workshop para magkaroon ng chemistry, siya talaga gumawa ng paraan," sabi ni Therese.

Maninibago rin daw ang mga manonood sa pagganap ng komedyanteng si Boobay sa Broken Blooms.

"Binigay ko 'yung buong puso ko talaga para sa character na 'yon na lumayo sa the usual Boobay na nakikita ng ating mga minahal na Kapuso."

Nakatakda pang sumali sa iba pang international film competition ngayong taon ang Broken Blooms at magkakaroon din ito ng local screening.

Panoorin ang buong report sa video sa itaas.