GMA Logo Garrett Bolden in Miss Saigon Guam
What's Hot

Garrett Bolden, napagkamalang beterano na sa teatro dahil sa 'Miss Saigon'

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 10, 2022 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Garrett Bolden in Miss Saigon Guam


"During our shows, akala nila na matagal na akong nagte-teatro..." pag-amin ni Garrett. Bakit kaya?

Masayang kinuwento ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden na napagkamalan siyang beterano na sa larangan ng theatro dahil sa kanyang angking galing nang gampanan niya si John Thomas sa Miss Saigon sa Guam.

Kuwento ni Garrett sa GMANetwork.com, akala ng mga manonood ng Miss Saigon ay matagal na siyang nagteteatro.

"During our shows, akala nila na matagal na akong nagti-teatro, so it was really a happy moment para sa akin kasi ibig sabihin na-convince sila sa akin. Theatre is something I really wanna do," masayang pagbabahagi ni Garrett.

Miss Saigon ang unang play na ginampanan ni Garrett pero umaasa siyang masusundan pa ito.

"'Yung Miss Saigon Guam is an unexpected journey for this year, and I'm claiming it na madadagdagan, which is abangan ng mga Kapuso natin," panalangin ni Garrett.

"It's [a] one-of-a-kind experience, it's my first theatre experience, and I enjoyed it so much."

Isang post na ibinahagi ni garrett devan bolden jr (@garrettboldenjr)

BALIKAN ANG NAGING PAGLALAKBAY NI GARRETT PAPUNTANG MISS SAIGON SA GUAM SA MGA LARAWANG ITO: