
Ipinasilip ni Katrina Halili sa Instagram ang kaniyang upcoming project sa GMA na pinamagatang Unica Hija.
Sa kaniyang post, ibinahagi niya ang title card ng programa na isang drama-sci-fi. Makikita rito ang kaniyang imahe at ng co-stars niyang sina Kate Valdez at Kelvin Miranda.
Isang mabait na role ang gagampanan ni Katrina sa Unica Hija matapos ang hit series niyang Prima Donnas na nagkaroon pa ng book two.
Samantala, nagbahagi rin ang co-star niyang si Kate ng kanilang larawan mula sa set ng bagong GMA Afternoon Prime series.
Si Katrina ay gaganap bilang Diane, ina ng karakter ni Kate sa Unica Hija.
Kabilang din sa cast ng Unica Hija sina Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo, Maricar De Mesa, Bernard Palanca, Biboy Ramirez, Maybelyn Dela Cruz, Issa Litton, Jennie Gabriel, at Jemwell Ventenilla.
Mapapanood din sa Unica Hija ang aktor at Quezon City councilor na si Alfred Vargas sa isang espesyal na pagganap.
SAMANTALA, BAGO PA IPALABAS ANG UNICA HIJA, BALIKAN ANG MGA TUMATAK NA BIDA-KONTRABIDA ROLES NI KATRINA HALILI DITO: