GMA Logo Herlene Budol
What's Hot

Herlene Budol, bibida sa upcoming GMA series na 'Magandang Dilag'

By Jansen Ramos
Published October 12, 2022 10:03 AM PHT
Updated November 7, 2022 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol


Malapit daw sa puso ni Bb. Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol ang gagampanan niyang role sa upcoming GMA series na 'Magandang Dilag.'

Matapos maging supporting cast member sa mini series na False Posiitve, bibida na ang Bb. Pilipinas 2022 first runner up na si Herlene Budol sa isang teleserye na pinamagatang Magandang Dilag.

Kamakailan ay sumailalim na siya sa familiarity workshop kasama ang iba pang cast ng upcoming drama series na sina Benjamin Alves, Maxine Medina, Rob Gomez, at Adrian Alandy.

Ilang bigatin at veteran stars pa gaya nina Al Tantay, Sandy Andolong, at Chanda Romero ang makakasama ni Herlene sa show.

Bahagi ni Herlene sa 'Chika Minute' report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras ngayong October 11, "Parang dati pinapanood ko lang sila, ngayon kasama ko na. Parang 'di pa pumapasok sa utak ko na andito na 'ko, nakikita ko sila, nakakasama ko na sila, nakakausap ko na."

Malapit daw sa puso ni Herlene ang gagampanan niyang karakter na si Gigi na ang kwento ay iikot sa mundo ng fashion.

Pinapaalala rin daw ng serye ang naging sagot niya sa Q&A ng Bb. Pilipinas na "I am uniquely beautiful with a mission" na aniya'y maraming makaka-relate.

Na-challenge naman ang kapwa niya beauty queen na si Maxine Medina na gaganap na kontrabida sa Magandang Dilag. Bukod sa kaibigan niya raw si Herlene, mas intense na kontrabida raw ang papel na bibigyang-buihay niya sa upcoming series kumpara sa First Yaya character niyang si Loraine.

Ani Maxine, "Doon ako nahihirapan e. I know her story, her background, I know her very well. So ito naman ako ngayon, andito ako sa situation na kailangan ko siyang awayin."

Samantala, magiging leading men ni Herlene sa Magandang Dilag sina Benjamin Alves at Rob Gomez na ngayon pa lang daw ay naaaliw na sa pagiging totoo at natural na komedyante ng actress/vlogger.

"Very wise, very funny" daw si Herlene, ayon kay Rob.

Para naman kay Benjamin, "Makikita natin 'yung side na kaya niyang mag-light comedy pero ando'n 'yung puso, ando'n 'yung drama. Ando'n pa rin 'yung scene na inaapi siya at nandoon pa rin 'yung lightness niya."

Abangan ang Magandang Dilag sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG STUNNING PHOTOS NI HERLENE BUDOL BILANG BEAUTY QUEEN SA GALLERY NA ITO: