
Ibinahagi ni Sunshine Cruz sa Instagram ang mga larawan kasama ang kanyang co-stars na sina Lexi Gonzales at Smokey Manaloto sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Underage.
Sa kanyang post, ipinakilala ng versatile actress ang character names nina Lexi at Smokey habang nasa set ng kanilang show.
“On the set of #Underage with my panganay Celine and husband Delfin,” sulat niya sa caption.
In-upload din ng StarStruck Season 7 First Princess ang naturang post sa kanyang Instagram stories na mayroong caption na “#Underage.”
Noong October 5, ibinahagi naman ni Lexi ang isang TikTok video kasama si Sunshine at ang kanyang kapwa Underage lead star na si Elijah Alejo. Naghatid ng good vibes ang mga aktres nang ipakita ang kanilang cool moves sa popular track na “Spin Back.”
@lexigonzales0 Doc yung mga pasyente! @elijah @Sunshine Braden Cruz ♬ SPIN BACK X SCOOTIE WOP UNRELEASED - Scootie Wop
Sa Underage, bibigyang-buhay ni Lexi ang karakter bilang Celine Serrano habang sina Elijah Alejo at Hailey Mendes naman ay gaganap bilang sina Chynna at Carrie Serrano.
Kabilang din sa cast ng serye sina Kapuso stars Gil Cuerva at Vince Crisostomo.
Mapapanood din dito ang mahuhusay at batikang mga aktor na sina Sunshine Cruz, Snooky Serna, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Vasquez, at Jome Silayan.
May espesyal na partisipasyon naman sa Underage ang aktor na si Smokey Manaloto at Sparkle heartthrob Nikki Co.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST BIKINI LOOKS NI SUNSHINE CRUZ SA GALLERY NA ITO.